Sino nga ba si Frencheska Farr para sa kanyang mga fans?
Tuwing linggo ay nakakasama at nakakasalamuha ni French ang kanyang mga fans na itinuturing na rin niyang mga kaibigan. Kaya naman hindi maikakailang lubos na nasisiyahan ang kanyang mga fans hindi lamang dahil sa napapanuod nila ang kanilang idolo na kumanta at sumayaw sa Party Pilipinas, kundi dahil na rin sa kabaitan nito sa kanila.
Kahit pagod na sa rehearsals at production numbers, palagi pa rin siyang nakikipagkita at nakikipagkwentuhan sa mga fans pagkatapos ng show. Nag-e-effort talaga si French na magpunta kahit sa Ministop lang or sa 7eleven para makita, makamayan at makapagpapicture ang mga fans niya sa kanya. Madalas nga rin ay kumakain sila ni Mommy Mel kasama ang mga Frencheskanatics!
Kung may libreng oras ay sumasama rin siya sa ilang Frencheskanatics sa panunuod ng sine. Makailang beses na rin na nanuod ng sine si French kasama ang ilang kaibigan sa fansclub.
Bihira na sa ngayon ang mga artistang kagaya ni Frencheska Farr na nagbibigay halaga sa kanyang mga fans. Lalo pa't unti-unti na siyang sumisikat hindi lamang sa larangan ng pagkanta kundi pati na rin sa pag-arte. Kahit na sunod-sunod ang kanyang projects at nakikilala na siya ng marami ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang mga fans.
At hindi lamang sa mga fans niya na lagi niyang nakakasama nagbibigay ng panahon si French. Pati na rin sa mga fans na hindi pa siya nakikita ng personal. Sa katunayan, may mga pa-contest siya sa kanyang fanpage sa facebook (www.facebook.com/frencheskafarr) na kung saan ang mananalo ay makakapanuod ng Party Pilipinas Live at may chance din na makita ng personal si French! Nagkakaron din sila ng pagkakataong magkapagpapicture kasama ang kanilang idolo!
Napakabait talaga ni Frencheska Farr. Kaya naman lubos ang pasasalamat ng Frencheskanatics sa kabaitan at pagmamahal na binibigay niya sa bawat miyembro ng kanyang fansclub. Makikitang hindi lamang sa pamilya, trabaho o pag-aaral may pagpapahalaga si French kundi pati na rin sa mga taong nagmamahal at humahanga sa kanya. :)